8:58am January 12, 2012, nakatanggap ako ng message galing sa Air21, “Air21 Your shipment with tracking no. ************ is scheduled to be delivered on 01/14/2012. For any concerns, please call (02) 8542100. Thank you.” nag isip ako kung kanino pwede ito manggaling. Ah kay Dens!Tinanggi pa nya at sinabing wala syang kinalaman dito, pero sa huli nagsigurado sya kung tama ba ang address, so sa kanya nga galing!

Around 4:00pm may nag text sa akin, delivery boy ng Air21 daw at kumakatok sa gate namin. Tinawagan ko si mama at baka tulog kaya walang sumasagot. Finally, nakuha ang box. Tinanong ko si mama ano yung natanggap nya, isang malaking box na magaan daw. Natawa pa ako sa sinabi nya, “Uwi kana para mabuksan mo na ito!” Mukhang mas excited pa sya kaysa sa akin. Haha!

Paguwi ko ng bahay una kong hinanap yung box. Pag pasok ko ng kwarto nakita ko ito na nakapatong sa kama ko. Ok ang laki nga nya! Sinimulan ko ng buksan, nakita ko may note nakalagay sa fold nung box. “Pull head first” Pag angat ko nung fold… IT’S A CUTE BIG BEAR! :D

Pero hindi ko muna sya tinanggal sa box. Kinakabahan kasi ako kung anong meron. Madalas kasi akong takutin ni Dens tungkol sa gagamba. Iniisip ko baka may isang gagamba or something sa ilalim ng bear. Nako! Hihimatayin ako. Isa pang nakakatuwa yung envelope na kasama. Napansin ko naka scotch tape sya sa kamay ng bear (so cute!)

Sabi ni mama kunin ko na. Pag kuha ko… Ang cute cute nya! Nilagay ko sya sa kama ko. Nung una para syang naka simangot, napagod yata sa byahe. Iniisip ko pa nga kung saan sya bumyahe. Haha!

Salamat Dens! :) Ang tamis lang ng ginawa mo slash regalo mo! Wala akong masabi!

Parang si Patootie naman ang liit, itong galing sayo ang LAKI! Ano palang name nya? :)



POST DETAILS:
Posted on January/12/2012
Tagged as: sweet stuff, surprise, thank you, Dens,

POST NOTES:
  1. deeeeroxas reblogged this from kalayaansb
  2. kalayaansb posted this
blog comments powered by Disqus
ABOUT

Kayumangi. Pinay. Misyonaryo. Beneficence and nonmaleficence, "To help and not to hurt".



Navigation